Tuesday, May 29, 2012

Mahal ko pa nga ba?

di ko maipaliwanag ung nararamdaman ko nung mga oras na nakita ko ung bago nyang relationship status sa Facebook; from "married" to "single". well. eto nanaman ako nagpapakatanga. haha. well just read this one if you feel like reading it. nagpapatugtog ako sa youtube with the playlist I made, close lahat nung ibang tab: Twitter, Facebook and Tumblr. haha para mabilis mag buff. bago ko umalis sa harap ng comp. tinawag ko muna si kuya para pakita ung picture ko kasi gsto ko sana ipa edit sa kanya. haha. pero sabi nya gsto nya gawin vector kaso mahirap daw un, matagal gawin.. haist. bakit ba napunta na dito sa usapang edit ng picture. naglalaba kasi ako nun kaya pinabayaan ko muna si kuya gumamit basta di lang nya i-log out yung Fb ko. nung pumasok ako ng bahay sabi ko kay kuya "bukas ka nga ng new tab, check mo yung fb ko" si kuya binuksan naman. syempre ssa news feed unang punta nun.. at ang pinaka una ko or NAMIN nakita sa news feed ko ay ung kay RLL na relationship status na "married" to "single". i was like (O.O). ganyan tlga itsura ko. nanlako mga mata ko nung nakita ko yun, ewan ko pero feeling ko un din yung tiningnan ni kuya kaya di nya agad iniscroll down. kita ko kasi dun nakatapat mata nya e. napaisip na lang ako "shit! single na sya (smiles)". OO napangiti ako nung nakita ko yun. ewan ko ba kung bakit, pero parang sumaya ako.. tsk tsk. haha. after nun pinaclose ko na ulit kay kuya ung tab ng fb. tapos tinapos ko na maglaba para ako na makagamit, gustong gusto ko kasi icheck profile nung mokong na un, ewan ko pero excited ako tingnan.. para iconfirm?? siguro yun na nga ang dahilan. basta nung ako na ullit gumagamit ng comp. nagbukas na ulit ako ng fb ko, tapos tiningnan ko yung wall ni "R". and OO wala na syang relationship status. at hinahanap ko dn sa wall nya ung naunang event., pero wala, siguro hinide na nya, pero nakita ko naman.. galing nga e umabot ako, at nakita ko na nagpalit sya ng status. hahaha. xD after nun, sinabi ko sa friend ko un, at yung naramdaman ko. haha. grabe talaga. pero ayun ako, natatanga chineck ko nanaman yung profile ni mokong tapos nakita ko yung mga posts nya SAD POST. >.< sheeeeet, oo SAD POSTS na ung mga pinopost nya.. :< habang binabasa ko bawat stat nya nalulungkot ako at napapaisip rin *ganun siguro talaga nya kamahal si girl kaya ganun na lang makapagpost*. ewan ko pero bigla ako nakaramdam ng konting kirot (hahaha kirot tlga ung word e) sa puso ko. parang nagseselos ako.. at na sana minahal nya rin ako ng gaya nung sa babaeng yun. haaaaii. at ayun nga nabibitter nanaman ako nung mga oras na yun, nilabas ko lahat dun sa isa ko pang friend. ginamit ko ung ex nya na d dn mkapag move sa kanya.. sinabihan ko lahat ng masasakit na salita pero ang totoo sarili ko yung pinapatamaan ko sa mga comment na un. gulo ko e no? pero 8 months mahigit na nung nagbreak kame, kaso ganito pa din ako.. siguro nga dahil sa first bf ko sya. nga pala isingit na natin dito youn finollow back nya ako sa twitter tapos nung nag thanks ako sa kanya nagreply sya at may nakalagay na "take care". grabe big deal na para sakin yun. haha. natuwa ako dun.. tapos nung nagreply ako na take care din, nagtweet ulit sya ng "Oo naman Yes! :)) ikaw din ha? :)" shit. bakit kailangan pa in a question form yung ako dn.? haha. namiss ko tuloy lalo sya at parang, parang, iiiihhh.. parang gusto ko ulit syang mahalin at gusto ko ulit syang MAGING AKIN. so ano na nga ba tlga ibig sabihin neto?? gulong gulo na ako! Mahal ko pa nga ba sya??? hmm.. :<

No comments:

Post a Comment